Ano Ba Ang Stocks?

Ang tanong na bumabagabag sa karamihan ng mga Pilipino. Bago natin sagutin, ilista natin ang mga " common misconceptions " ng mga Pilipino sa Stock Market: Ang stocks ay pang-mayaman lamang; Mahirap mag-invest sa stocks i.e. dapat magaling sa matematika o accounting para makapaginvest sa stock market; Ang stocks ay sugal; Mga big corporations lamang ang yumayaman sa stock market; Malaking puhunan ang kailangan para makapagsimulang maginvest sa stocks; Mabilis na maglalaho ang pondo mo sa stock market; Kailangan mo ng wealth advisor or investment manager para lamang kumita sa stock market; Ok. Iyan lamang ang iilan sa palagay ni Makisig at Maganda tungkol sa merkado. Sa huling parte ng artikulo, babasagin natin isa-isa ang mga maling paniniwala sa merkado. Balik muna uli tayo sa tanong na: " Ano nga ba ang stock, haydol ?" Sabi ni Google : " a stock is a type of security that signifies ownership in a corporation ...