Ano Ba Ang Stocks?


Ang tanong na bumabagabag sa karamihan ng mga Pilipino. Bago natin sagutin, ilista natin ang mga "common misconceptions" ng mga Pilipino sa Stock Market: 



  • Ang stocks ay pang-mayaman lamang; 
  • Mahirap mag-invest sa stocks i.e. dapat magaling sa matematika o accounting para makapaginvest sa stock market;
  • Ang stocks ay sugal; 
  • Mga big corporations lamang ang yumayaman sa stock market;
  • Malaking puhunan ang kailangan para makapagsimulang maginvest sa stocks;
  • Mabilis na maglalaho ang pondo mo sa stock market;
  • Kailangan mo ng wealth advisor or investment manager para lamang kumita sa stock market;

Ok. Iyan lamang ang iilan sa palagay ni Makisig at Maganda tungkol sa merkado. Sa huling parte ng artikulo, babasagin natin isa-isa ang mga maling paniniwala sa merkado. Balik muna uli tayo sa tanong na: 

"Ano nga ba ang stock, haydol?"  



Sabi ni Google: "a stock is a type of security that signifies ownership in a corporation and represents a claim on part of the corporation's assets and earnings." 

Sa Tagalog, "ang istak ay isang uri ng seguridad na nagpapahiwatig ng pagaari sa isang korporasyon at bahagi sa kita at halaga nito." 

Sa madaling sabi, stock = hati sa pagmamayari

Narinig niyo na siguro sa mga kaibigan at kamag-anak niyo ang katagang "si Aga stockholder ng Jollibee yan, or si Kris Aquino ay stockholder ng ABS-CBN. Bahagyang tama ito, pero mas mainam na malaman natin kung ano ang tipo ng stocks na hawak ng mga nabanggit na celebrities at siyempre kung ilang shares ba or porciento ang kanilang pag-aari. 


May dalawang uri ng stocks. Ang preferred shares at common. Preferred ang tawag sa mga shares na mas mahal. Walang karapatang sumali ang mga may hawak nito sa botohan sa kompanya subalit sila ang prioridad sa mga kita ng korporasyon. Halimbawa, kung malugi ang isang negosyo at magsara, unang bibigyan ng pera kesa sa mga may hawak ng common stocks. Ang common stock naman ay may karapatang bumoto sa pagdedesisyon ng kumpanya at may karapatang makakuha ng dibidendo. 

Ano naman yung dibidendo? Ang dibidendo ay paghahati-hati ng parte ng kita ng isang kumpanya, mula sa may-ari at sa mga may hawak ng shares. Kadalasang nagbibigay ang mga matatag na mga kumpanya ng dibidendo isa o dalawang beses sa isang taon. 

Ngayon, paano nga ba makakuha o makabili ng stocks

Sa pamamagitan ng broker. Kung napanood niyo ang pelikulang "The Pursuit of Happyness" starring Will Smith o yung "Wolf of Wall Street" ni Leonardo di Caprio, yun po ang isang halimbawa ng broker. Sila ay walang iba kundi ang "middleman" na namamagitan sa mamimili (buyer) o nagbebenta (seller) ng stocks. 


Saan naman makakakuha ng brokers na kasing macho ni Will at kasing pogi ni Leo? Magandang tanong. Panahon na ng millennials, kaya nakibagay din ang online brokers sa Pilipinas, lodi.

Highly recommended ang Col Financial at Philstocks. Dear Ma'am April at Boss Kevin, mugs ko sa Pasko ha. Heto yung mga links kung nais niyo na mag-register habang nag-aaral: 


Iisa lang ang pamilihan ng stocks sa Pilipinas: Ang Philippine Stock Exchange o PSE na matatagpuan na ngayon sa Bonifacio Global City. Wala nang iba! 

Ngayon balikan natin at sagutan ang mga mito sa unang bahagi ng artikulo: 


1. Hindi po pangmayaman ang stock market. - sa COL financial at Philstocks libre ang pagopen ng account, initial deposit ay 5,000 pesos. Kung ang bangko mo ay BPI, BDO - yung savings mo puede mo na irekta sa trading platform nila na BPI Trade at Nomura. 

2. Hindi po mahirap sa maginvest sa stock market - tulad ng pagsubi ng pera sa bangko ganun din ang attitude sa stock market. Save early, save regularly at baunan niyo ng mahabang pasensya. 

3. Ang stock market ay sugal - sa sugal, walang produktong kapalit. Masahe, yosi at bragging rights lang. Sa stock market - mamili ka anong gusto mong produkto - pagkain, lupa, bahay, mina, enerhiya, atbp. 

4. Mga korporasyon lamang ang yumayaman sa stock market. Kilala niyo ba ang Yaya ni Bo Sanchez? Saka heto pa.  

5. Malaking puhunan ang kailangan. Balik po sa number 1. 

6. Mabilis na maglaho ang pondo sa stock market. Hindi po kung kayo ay mag-aaral at sapat ang inyong kaalaman. Paper loss lang yan kung hindi mo ibebenta. 

7. Kailangan ng wealth advisor. Sa maniwala kayo o hindi, ka-opisina ko lang ang nagturo sa akin na mag-invest sa stock market noong 2014 (alam mo kung sino, oracle of AUH). Isang regular na empleyado at hindi financial advisor or licensed broker. Konting inspirasyon, willingness na matuto at dedication ang kailangan. 

So hayan, kahit paano iwas scam ka na sa mga dobol your money at Ponzi schemes. 

Sa susunod na topic, laliman pa natin ang kaalaman sa stock market. 

Class dismissed. 


Dagdag basahin: 

  • https://www.colfinancial.com/ape/Final2/home/new_to_investing.asp 
  • https://www.investagrams.com/daily/2017/09/start-investing-philippine-stock-market-step-step-guide-beginners/

Sources: 

  • https://www.investopedia.com/terms/p/participatingpreferredstock.asp 
  • https://www.investopedia.com/terms/d/dividend.asp?ad=dirN&qo=investopediaSiteSearch&qsrc=0&o=40186 

Image credits: 

  • https://www.triumph30.org/2017/05/03/misconceptions-about-tongues/ 
  • https://www.wsj.com/articles/junk-stocks-strut-but-quality-still-matters-1478488322
  • https://www.youtube.com/watch?v=fJ-AE8OSDN4 
  • http://www.justrivals.com/rivalry/entertainment/leonardo-dicaprio-vs-will-smith/39311/







Comments

Popular posts from this blog

Tsupit Plays - 1st Q

Beatles!

Requested Stocks