Lets Volt In!
Tuloy po kayo sa Merkado PH. Ang blog na ito ay naglalayon na bigyan ang kaalaman ang mga kapwa Pilipino, lalo na ang mga OFWs sa kalakaran ng stock market. Ito ay base na din sa karanasan ng may-akda ng blog, mga babasahin na matatagpuan sa Internet at mga nilathalang aklat ukol sa istaks. Ang blog ay maglalathala 2 beses bawat linggo (may day-off din po ako, haha)
Hindi po ito isang rekomendasyon, hindi po henyo o guru ang nagsusulat dito. Inaanyayahan ang lahat na magbasa, magtanong, magkomento at makilahok. Bukas po ang blog sa inyong mga sasabihin at kung may nailathala na hindi sakto ay malaya po ninyong kontrahin dito at makakaasa po kayo na itatama po ang maling impormasyon. We agree to disagree ika nga, basta may sense at nasabi ito sa makataong pamamaraan. Puede din naman tayo magasaran, basta huwag lamang below the belt.
Sama-sama po tayo na mag-aral at kung tayo ay matiyaga, yumaman.
Best of luck sa ating mga trades!
Comments
Post a Comment