Posts

Requested Stocks

Personal Watchlist ko for Jan 2020:  NICKEL Stocks  $NIKL $FNI $MARC $NI Damay na din ang mga mining stocks na bagsak for year 2020.  Narrative - Indonesian Nickel Ore ban effective Jan 1, 2020 $TECH - down 86%, fundamentally sound and affected by the trade war. idamay na din ang semiconductors like SSI (buying area from 3.6 to 4) $TUGS - bad earnings. it is already hovering in the 1-peso area. i'd buy in bulk once it hits .95cent. once the first quarter report presents good numbers easy 1.5 to 2. From Facebook comments:  $ISM - I am not swayed on the third telco narrative. Tingin ko mas ok pa kumarga sa Chelsea kaysa sa ISM. Earning is bad, but I will make a test buy mag2.5 ito.  https://storage.investagrams.com/files/Chart/tv/2019/12/28/20191228-161638-q3O3LQiQ.jpg $ACEPH - is a good Ayala stock for long term. I'll start buying at the 1.9-2 area and sit for a long time.  https://storage.investagrams.com/...

Stocks na Down ang Year to Date (YTD):

Image
Heto ang mga stocks na bumagsak ang presyo from -86% to 19% sa taong 2019. Pakisubaybayan ang mga stock na ito para sa 2020 at pagaralan maigi ang narrative. Kadalasang dahilan sa pagbagsak stock na ito ay dahil sa trade war, political (MWC, MPI), bad earnings. Mas malaki ang chance na bumangon ang mga stock na fundamentally sound (MPI) at barato na ang presyo. Best of luck sa inyo sa 2020! Powered by InvestaScreener. 

Mga Ilang Termino sa Stock Market

Heto ang ilan sa mga nababasa at naririnig ninyo na salita sa mundo ng stock market: bodega - mamili habang mura (hoard while cheap) exit - ibenta na ang shares na hawak (sell) ipit - nahuli sa pagbenta noong bumagsak, in short at a loss tsupit/ tsupitero - namili at binenta kahit maliit ang kinita salo - catch, naririnig madalas sa mga bottom-picker or stocks na bumababa ang value TAYOR - trade at your own risk or balakajan bes! CAVEAT - kabyat; let the buyer or seller beware newbie/ noobie - mga baguhan sa merkado tulad ko hinete - jockey; mga tagatulak pataas ng shares funda - fundamentals; analysis gamit ang assets, earnings, deficits ( growth) ng isang company TA - technical analysis - purely price action base sa chart indicators hype - mga alingasngas, gumagawa ng ingay para manakot or gawing exciting ang isang stock COLboys - mga col financial users, kadalasang retailers guru/ geniu s - mga henyo o alamat sa stock market galibol - gulli...

Ano Ba Ang Stocks?

Image
Ang tanong na bumabagabag sa karamihan ng mga Pilipino. Bago natin sagutin, ilista natin ang mga " common misconceptions " ng mga Pilipino sa Stock Market:  Ang stocks ay pang-mayaman lamang;  Mahirap mag-invest sa stocks i.e. dapat magaling sa matematika o accounting para makapaginvest sa stock market; Ang stocks ay sugal;  Mga big corporations lamang ang yumayaman sa stock market; Malaking puhunan ang kailangan para makapagsimulang maginvest sa stocks; Mabilis na maglalaho ang pondo mo sa stock market; Kailangan mo ng wealth advisor or investment manager para lamang kumita sa stock market; Ok. Iyan lamang ang iilan sa palagay ni Makisig at Maganda tungkol sa merkado. Sa huling parte ng artikulo, babasagin natin isa-isa ang mga maling paniniwala sa merkado. Balik muna uli tayo sa tanong na:  " Ano nga ba ang stock, haydol ?"   Sabi ni Google : " a stock is a type of security that signifies ownership in a corporation ...

Lets Volt In!

Image
Tuloy po kayo sa Merkado PH. Ang blog na ito ay naglalayon na bigyan ang kaalaman ang mga kapwa Pilipino, lalo na ang mga OFWs sa kalakaran ng stock market. Ito ay base na din sa karanasan ng may-akda ng blog, mga babasahin na matatagpuan sa Internet at mga nilathalang aklat ukol sa istaks. Ang blog ay maglalathala 2 beses bawat linggo (may day-off din po ako, haha) Hindi po ito isang rekomendasyon, hindi po henyo o guru ang nagsusulat dito. Inaanyayahan ang lahat na magbasa, magtanong, magkomento at makilahok. Bukas po ang blog sa inyong mga sasabihin at kung may nailathala na hindi sakto ay malaya po ninyong kontrahin dito at makakaasa po kayo na itatama po ang maling impormasyon. We agree to disagree ika nga, basta may sense at nasabi ito sa makataong pamamaraan. Puede din naman tayo magasaran, basta huwag lamang below the belt.  Sama-sama po tayo na mag-aral at kung tayo ay matiyaga, yumaman.  Best of luck sa ating mga trades! Kicks Image...